Exalt: “Katapatan Mo”
Empower: Exodus 34:6; 2 Thessalonians 3:3; 2 Timothy 2:13; Psalm 36:5, 105:5; Lamentations 3:21-23
A Faithful God
The LORD passed before him and proclaimed, “The LORD, the LORD, a God merciful and gracious, slow to anger, and abounding in steadfast love and faithfulness (Exo 34:6 ESV)
…at ako'y nananatiling tapat (MBB)
…abundant in goodness and truth (KJV).
Faithfulness = “emet” (Hebrew); also means truth; related to“Amen”. It means faithful, reliable, stable and trustworthy.
Sa madaling salita, ang Diyos ay totoo at tapat sa Kanyang mga pangako. Naging tapat siya sa pangako Niya kay Abraham na Siya’y magiging ama ng maraming salinlahi sa kabila ng kanyang katandaan at pagiging baog ni Sarah, at sa kabila ng mga nagawa niyang labag sa kalooban ng Diyos (e.g. pagsiping kay Hagar upang magkaanak.) Gayunpaman, pinagpala pa rin ng Diyos ang anak niya kay Hagar na si Ishmael; but he was not the son of promise; Isaac was. Si Isaac ang naging ama ni Jacob (Esau’s twin brother)kung saan nagmula ang 12 tribo ng Israel at pinanggalingan ng ating Panginoong Hesus, the ultimate promise for man’s eternal salvation.
Naging tapat din ang Diyos sa pangako Niya kay David na ang kanyang trono ay mananatili magpakailanman. Ito rin ay nagkaroon ng katuparan sa pagdating ng ating Panginoong Hesus (the son of David; the promised King). Ang Kanyang kaharian ay dumating sa atin; at Siya na ngayon ang nananahan (through the Holy Spirit) at naghahari sa bawat buhay ng bawat mananampalataya. Jesus is the fulfillment of the God’s promise to Abraham and David.
Naranasan ng Israel ang katapatan at kabutihan ng Diyos habang sila’y nasa ilang; hindi sila pinabayaan ng Diyos sa kabila ng kanilang pagrerebelde at pagrereklamo sa Diyos. Araw-araw, nagpapadala ang Diyos ng tinapay (‘manna’) mula sa langit at mga pugo upang kanilang makain. Bakit iniutos ng Diyos na huwag silang magtabi ng ‘manna’ at sapat lang para sa isang araw ang dapat nilang kunin? Dahil gusto ng Diyos na pagtiwalaan Siya ng Israel sa bawat araw; na mayroon Siyang laging laan na “fresh manna” para sa kanila.
Gayundin naman, nais ng Diyos na pagtiwalaan mo Siya arawaraw (everyday of our lives). Dahil walang araw na hindi mo Siya kasama (because of His indwelling presence); ang Kanyang katapatan ay hindi nagmamaliw at maaari mong maranasan araw-araw. They are new every morning: great is thy faithfulness (Lam. 3:23 KJV). Kaya’t mabuhay kang nagtitiwala sa Diyos sa bawat araw [remember, God gives fresh ‘manna’(blessing) everyday]; huwag mong hayaang maagaw o mawala ang kapayapaan at kagalakan mo ngayon (today) dahil lamang sa pag-aalala mo sa kinabukasan (tomorrow). Fixed your eyes on Jesus, not on the issues of life. Ang Diyos ay totoo at tapat sa Kanyang mga pangako. Siya ang nangako na hindi Niya tayo iiwan at pababayaan. Anuman ang iyong pinagdadaanang suliranin (related to family or relationships, work, school, health, finances), tayuan mo ang Kanyang Salita. Ilaan mo ang iyong oras sa pagpupuri at pagpapasalamat sa Kanya, hindi sa pag-iisip sa mga problema at suliranin o sa mangyayari sa araw ng bukas. Magbabad ka sa Kanyang Salita upang hindi mahaluhan ng pagdududa o pagaalinlangan ang pananampalatayang tinanggap mo sa Kanya. Ang katapatan ng Diyos ay hindi nakadepende sa katapatan natin sa Kanya – “Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.” (2 Tim. 2:13 MBB) Makakaasa tayo sa katapatan ng Diyos dahil kung hindi Niya gagawin iyon, para na rin niyang itinatwa ang Kanyang sariling kalikasan (as a faithful God to the unfaithful men); besides, His Son dwells in us; He will remain faithful to us because of Jesus.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Nararanasan mo ba ang katapatan ng Diyos arawaraw? Nagiging totoo ba ang Kanyang Salita o pangako sa buhay mo? Ibahagi.